MEET SEAN
Kilalanin si Sean Murphy, Kandidato, Komisyoner ng Kitsap County, Distrito 2
Isang pagbati! Ako ay si Sean Murphy, Pangalawang Pangulo ng Kitsap County Republican Party mula pa noong Hulyo 2023. Gusto kong ipakilala ang aking sarili at ibahagi ang ebolusyon ng aking kapasyahan na tumakbo para sa Kitsap County Commissioner, Distrito 2.
​
Akdy nagmula sa isang mahabang linya ng serbisyo militar, na kinabibilangan ng aking tiyuhin, aking 1010, at ng aking ama. Akdy ipinanganak sa Milan, Italya, habang ang aking ama ay nagsisilbi doon sa hukbo. Nagretiro siya sa Pennsylvania, at akdy agad na sumali sa Navy nang magtapos ako sa hayskul (sekondarya). Kasama sa aking pagsasanay ang Nuclear Power School, Submarine School, Missile Tech A School, at sa wakas, Missile Tech C School dito sa Subbase Bangor. Nang makarating ako, agad akong nabighani sa Washington State at alam kong ito ang magiging tahanan ko magpakailanman. Nagtrabaho ako sa ibalt ibang industriya at, sa wakas, natagpuan ko ang aking lugar bilang isang independiyenteng broker ng insurance at talagang nasiyahan sa pagiging self-employed.
​
Sa panahon ng pandemya ako kasama ng aking asawa at matalik na kaibigan, na si Cerina, ay nakasaksi sa indoctrination ng aming mga anak na nagaganap sa mga paaralan, kayalt gumawa kami ng desisyon na mag-aral sa bahay ang aming mga anak at mga pamangkin. Kami/y naapektuhan
​
din dahil sa pinsala ng mga lockdown sa aming komunidad, kayalt nagpasya kaming lumipat sa Idaho, ngunit kinumbinsi ako ng isang matalik na kaibigan na manatili at tumulong sa muling pagbangon.
Akov at ang aking pamilya, ay makabansa, ngunit hindi kailanman direktang nakikibahagi sa antas ng pamayanan. Kaya, kami ng aking asawa ay nagpasya na simulan ang pagsasama ng mga tao upang palakasin ang mga ugnayan na dapat magkaroon ng isang malakas na pamayanan. Nagsimula kami sa pamamagitan ng paglikha ng mga gawain sa paglilinis ng parke at sa pamamagitan ng mga kaganapang ito sa pamayanan, talagang nagsimula kaming bumuo ng mga ugnayan sa pamayanan at pagsamasamahin ang mga tao.
​
Sa isa sa mga kaganapan, si Cerina at ako ay nakilala ang isang kandidato ng Partido Republikano, at, kasunod nito, kaming dalawa ay sumali sa Partido Republikano ng Kitsap County upang tumulong sa komite ng mga gawain. Doon, nakita ko ang aking sarili na tumutulong sa mga kampanya, mga kaganapan, at pagkolekta ng mga pirma para sa ibalt ibang mga inisyatibo habang nakikipagtulungan sa mga kahanga-hangang boluntaryo sa komunidad.
​
Dumarami ang patuloy na lumalampas sa kapangyarihan sa pamahalaan na may kinalaman sa mga karapatan sa pagmamay-ari ng indibiduwal. Ang labis na regulasyon at pagkaantala sa pagbibigay ng mga pahintulot ay nagdudulot ng dikailangang kahirapan sa mga may-ari ng ari-arian at mga negosyo. Gagawin ko ang lahat upang gawing mas simple ang pagbibigay ng mga pahintulot at alisin ang mga di-kailangang regulasyon na naglilimita sa paglago ng negosyo at lumalabag sa mga karapatan ng mga mayari ng pribadong ari-arian.
​
Ang Port Orchard, dito sa magandang Kitsap County, ang aking pinagmulan. Ito ang tanging tahanan na alam ng aking tatlong anak. Nakatira rin dito ang aking ina, ang aking kapatid na babae, at ang aking mga pamangkin. Nais kong tiyakin na nagtatayo tayo ng isang pamayanan na nagpapahalaga sa pagsisikap, kalayaan ng bawat isa, mga halaga ng pamilya, at tunay na pagmamalasakit sa ating mga kapitbahay. Mangyaring tulungan ninyo ako na magpatuloy sa paglilingkod sa Kitsap County sa pamamagitan ng inyong boto sa Nobyembre 5.
​
Salamat sa pagkakataong ipakilala ko ang aking sarili.